Smile for those who are trying their best to make you happy.
Live for those who are willing to die for you.
…and breathe for those who cannot breathe without you.
Indeed life is full of ironies, but don’t give in to vexations.
Could you be alone in the millions of unknown faces?
Yes… but you could never be lost.
For every turn and every corner, there awaits a hand to guide you.
>>> Haha. Ang ingay dito sa Gab 2nd floor corridor. Nandito nanaman kasi kami. XP Haha. Feel at home na kasi, dahil for 4 years (at sana hindi na maextend) this will be our refuge. madaming magsasabing nakakasawa dito dahil nga naman paulit ulit mo lang makikita araw araw ung mga sulok sulok nitong makipot na daan na to, pero mali kayo. Dito na umiikot ang buhay ng mga comsci students na katulad ko. Dito kami nagbubulungan ng mga sikreto, nagdidiscuss ng mga exam, gumagawa ng report, nagfafacebook, nagpplurk, naghahanap ng anonymous proxy server na hindi madedetect ng mga prof, nagkokopyahan ng mga assignment, gumagawa ng card castle, naglulunch, at kung ano ano pang maaari mong maisip na gawin. This is our free- zone.
Masaya dito. Kahit naman kasi simple lang tong lugar na to, madami kang makikilala. Iba’t ibang mukha din yung mga makikita mo dito, makakasalubong, pati naman iba’t ibang emosyon. Naalala ko nung may nagbreak na magsyota dito. HAHA. Magkakaron kadin ng mga kaibigan, yung mga tipong pag nakahandusay sila sa gitna ng corridor tapos maaapakan mo kung ano man yung pinagkakaabalahan nila, tapos ngingitian mo sila kasi guilty ka. Next time na magkikita kayo, ngingitian ka din siya tapos magkakakilala na kayo… “Ahh… ikaw pala si trixe. yung nakaapak ng notebook ko.” “Ah. uu nga. ako nga yun. Sori!” The rest is history. Insane history.
Dito mo din pwedeng ma-utilize ang mga talents mo…
“Uy… trixe, sali ka sa upm chorale….”
“Uy… trixe, sali ka sa dpsm chorale…”
“Uy drummer ka na ha…”
“Uy sali ka sa morg…”
“uy indayog tayo…”
“uy sali ka sa kule or tagamasid…”
“socomsci ha!”
Haha, sige ba, pag sinalihan ko na lahat ng iyan (most nga…) pwede na rin siguro ako tumakbo na pangulo ng pilipinas sa 2010, o kaya para mas low profile, SR nalang ng UP system. Jokes! HAHAHA.
Tapos pwede mo din ditong makilala yung magigng friends for life mo. ^^ Pwede ka magkaron ng acquaintance, slight friend, friend, super friend, pwede pa rin ang best friend. Di ba, astig. ^^
Pero ang pinakamasaya dito sa lugar na to ay parang yung sensation na isa kayong family na nangangariton at nakatira sa ilalim ng tulay. Kayo ng mga block at non-block friends mo. ^^ HAHAHA. Totoo to. As in ung mahirap ung buhay pero bawat araw nakakaraos pa din. Buhay pa din after a day of nosebleeding. Nutrilicious na naman ung mga dugo ng mga tao dito eh. XP Haaaay.^^
Kaya naman kahit gaano kahirap ang cs, di ako lilipat. Di ako aalis, kasi eto na ang bahay ko… namin. At dito ako masaya. ^^
They said... I said...